Android: Mag-download ng Offline Bible
I-download ang mga Bersyon ng Biblia para Basahin nang Offline
Basahin ang Biblia kahit nasaan ka, kahit hindi ka makapag-online.
- Siguraduhing ang iyong mobile device ay may malakas na Internet connection. Inirerekomenda ang paggamit ng Wi-Fi.
- Tiyaking ikaw ay naka-sign in sa App.
- Baguhin ang bersyon ng Biblia at awtomatikong mada-download ang anumang bersyon ng Biblia na napili at magiging handa nang maggamit offline.Tingnan kung paano basahin ito nang hindi ito dina-download dito.
Basahin ang mga Bersyon ng Biblia Nang Hindi Dina-download
Sundin ang mga hakbang na ito upang mag-preview ng bersyon ng Biblia o basahin ito nang hindi dina-download.
- Piliin ang Bible tab.
- Kanang itaas: piliin ang pinaiksing Bersyon ng Biblia (hal., NIV).
- Piliin ang bersyon mula sa listahan oi-tap ang wikapara sa mga bersyon sa ibang wika.
- Piliin ang ⓘ button sa tabi ng bersyon na gusto mong basahin.
- Piliin ang Read in Bible upang mag-preview ng bersyon nang hindi ito dina-download.
I-delete ang Mga Naka-download na (mga) Salin ng Biblia
Bagaman ang mga naka-download na bersyon ay napakaliit na mga text files minsan ay nais mong mag-alis ng isa upang makaluwag ng storage space o para sa pagtroubleshoot.
May dalawang paraan upang mag-alis ng mga naka-download na bersyon ng Biblia:
- Mula sa Bible tab:
- Piliin ang Bible tab kung hindi pa ito napili.
- Kanang itaas: piliin ang pinaikling Bersyon ng Biblia.
Ang mga bersyon na inaalok ng YouVersion sa wikang iyong pinili ay nakalista una ayon sa pinakahuling na-download na bersyon, pagkatapos ay ayon sa alpabeto.- Matagal na pindutin ang isang bersyon, pagkatapos ay Yes upang tanggalin ang bersyon.
- Mula sa You tab:
- Piliin ang You tab kung hindi pa ito napili.
- Piliin ang Settings gear (kanang itaas).
- Piliin ang Manage Offline Versions.
- I-tap ang REMOVE.
Mga Madalas Itanong tungkol sa Pag-download ng Mga Salin ng Biblia
Maaari ko bang i-download ang audio?
Sa kasamaang-palad, ang kasalukuyang bersyon ng App ay hindi sumusuporta sa pag-download ng audio para sa offline na paggamit. Ang limitasyong ito ay nagmumula sa malaking storage space na sinasasakop ng mga audio files sa mga mobile device. Dahil maliit lang ang memorya ng maraming portable device, mahirap mag-accommodate ng malalaking audio file. Nais ng YouVersion na matiyak na gumagana ang aming mga solusyon sa maraming device na ginagamit ng aming pandaigdigang komunidad. May ilang mga eksepsyon, ngunit nais naming makatiyak na ang aming mga solusyon ay gumagana sa lahat ng mga ito. Bagama't hangad naming ipakilala ang offline na functionality ng audio sa hinaharap, hindi pa kami makapagbigay ng tiyak na timeframe sa puntong ito.
Bakit hindi ko matanggal ang isang salin ng Biblia?
Dahil maraming feature ng App ang umaasa sa Biblia, dapat may kahit isang salin na available. Samakatuwid, maaaring alisin ang lahat ng salin maliban sa default na bersyon. Bawat wika ay may default na salin ng Biblia.